Paano ba Magsimula ng Isang Sari-sari Store?

 
IMG_6454.jpg

Plano mo bang magsimula ng isang sari-sari store? Anu-ano nga ba  ang dapat na paghahanda  ng iyong sarili bago ka magbukas ng isang negosyo? 

Narito ang ilang mga basic skills at qualities na maaaring gumabay sa iyong paghahanda! 

  1. Pagpapahalaga sa 3Ps: Pagbasa, Pagsulat, at Pag-compute 
    Ang pag-alam ng brand ng produkto, ang paglilista ng mga paninda, at ang pag-alam ng  kabuuang kinita ay malalaman at magagawa sa  tulong ng pagbabasa, pagsusulat, at pagco-compute. Kaya naman ito ang mga pangunahing kakayanan na mahalagang  mayroon ka para mas mapangasiwaan ang negosyong sinimulan.    
     

  2. Maging masinop. 
    Ang pagiging masinop ay may maidudulot na maganda sa negosyo. Ang  pag-alam ng takbo ng tindahan at pananatiling organisado ay ilan lamang sa mga pamamaraan ng isang  masinop na negosyante upang maipagpatuloy at mapalago ang negosyo  sa matagal na panahon.  
     

  3. Magkaroon ng katuwang sa negosyo. 
    Asawa, kapatid, anak, kaibigan, o kapamilya — ilan  lamang sila sa  mga maaari mong maging katuwang sa pagtitindahan. Maaaring  maging mahirap ang pagsisimula ng isang bagong  negosyo, makakatulong kung may katuwang ka na mapagkakatiwalaan. At ngayon, mayroon na ring mga institusyon at organisasyon na may mga programa para sa mga negosyanteng  katulad ng mga sari-sari store owners para sa pagpapalago pa ng kanilang tindahan. Posible  rin na mga kapwa sari-sari store owners ang iyong maging  katuwang sa pagnenegosyo! 
     
    Related: Creating a Hapinoy Network of Sari-sari Stores 
     

  4. Handang matuto. 
    Bilang isang negosyante, mahalaga ang pagiging bukas sa oportunidad at pagkakaroon  ng pagkanais sa pagkatuto tungkol sa pagtitindahan. Maaaring makatulong ang mga ito lalo  na habang ikaw ay nagsisimula pa  lamang. Ang mga eksperto  sa negosyo at pati na rin ang  mga kapwa mong sari-sari store owners ay siguradong may mga karanasan sa pagtitindahan  kung saan ay pwede kang magkaroon ng dagdag kaalaman para sa pagpapatuloy ng iyong  negosyo!  
     
    Related: HapiSkwela Goes Online! 
     

  5. Pagkakaroon ng pangarap sa negosyo.  
    Maaaring ituring na ito ang pinakamahalaga sa lahat. Bakit ka nga ba magtitindahan? Ano ba ang pangarap mo para sa iyong tindahan? Maaaring ito ay mapalago, makapagtayo ng  karagdagang branch sa ibang lugar, o kaya naman ay  makapagdagdag ng iba pang  produkto o serbisyo na iaalok para sa karagdagang kita. Ano man ang pangarap  mo para sa  iyong tindahan, mahalagang magkaroon at panghawakan ito dahil maaaring itong maging  inspirasyon na ipagpatuloy  ang iyong tindahan.  

Sabi nga sa isang kanta, “Magtanim ay ‘di biro”. Katulad nito, ang pagtitindahan ay hindi rin biro  dahil ito ay isang negosyo na hindi lamang makakapagbigay ng dagdag kita sa iyo, ngunit  makakapaghatid din ng serbisyo sa iyong komunidad. Sa mahalagang papel na ito na iyong  gagampanan bilang sari-sari store owner, mahalaga na maihanda ang  sarili sa mga basic skills at qualities na mga ito para sa pagsisimula ng iyong tindahan.  

Handa ka na ba? 

May sari-sari store ka na ba? Kung oo, tara na at maging parte ng Hapinoy, ang katuwang ng mga sari-sari store owners sa pagnenegosyo! Bisitahin lang ang  Hapinoy Facebook Page sa www.facebook.com/Hapinoy.

At para sa iba pang tips sa pagsisimula ng isang sari-sari store, subscribe na sa Hapinoy TV!

 
HapinoyHapinoyHapinoy