Tindahan, Handa Ka na Ba?

Kumukutikutitap na ang sari-sari store ni Tito Francis, isa sa ating mga Hapinoy Negosyante mula sa Quezon City, sa mga Christmas lights na inilagay niya sa kanyang tindahan. Ito ay hindi lang bilang pang-hikayat sa kanyang mga suki, kung hindi pati…

Kumukutikutitap na ang sari-sari store ni Tito Francis, isa sa ating mga Hapinoy Negosyante mula sa Quezon City, sa mga Christmas lights na inilagay niya sa kanyang tindahan. Ito ay hindi lang bilang pang-hikayat sa kanyang mga suki, kung hindi pati na rin bilang isang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa kanyang tindahan. (Litrato ni Francis Salud)

Ilang araw na lang, Pasko na! Handa na ba ang mga pamasko mo at ang panghanda sa Noche Buena? E teka, ang tindahan mo kaya, handa na rin ba? Huwag mag-alala dahil hindi pa huli ang lahat!

Narito ang limang tips na pwede mong gawin para makasabay ang tindahan mo sa pagdiwang natin ng Pasko!

  1. Maglista ng imbentaryo.
    Ngayong Kapaskuhan, siguradong may mga suki na mangangailangan ng mga produkto katulad ng condensed milk, tomato sauce, gift wrappers, o kaya softdrinks. Makakabili ba sila ng mga ito kapag pumunta sila sa tindahan mo? Sa pamamagitan ng imbentaryo, o ang listahan ng mga produkto at serbisyo na meron sa tindahan mo, pwede mong ma-monitor kung anu-anong mga paninda ang meron at wala sa tindahan mo. Makikita mo rin ang mabilis o mabaga na maubos na mga paninda. At dahil dito, mapapaghandaan mo ang mga dapat bilihin at kung magkano ang budget na dapat ilaan dito.


    Alamin kung paano maglista ng imbentaryo sa libreng online training ng Hapinoy! 

  2. Alamin ang kita at benta ng iyong tindahan.
    Hindi lang mga produkto ang kailangang ilista, kailangan pati ang iyong kita at benta na rin! Dahil sa kabi-kabilaang Christmas parties o reunions, maaaring maging busy sa pag-aasikaso para sa mga ito. Ngunit, mahalaga pa rin na alamin at regular na ma-monitor ang iyong kita at benta para malaman ang takbo ng iyong tindahan. Hindi ba’t mas masaya ang pagdiriwang ng Pasko kung panatag ka sa takbo ng iyong tindahan?

    ‘Wag mag-alala dahil sa libreng online training ng Hapinoy, mas madali mo nang malalaman ang iyong kita at benta gamit lang ang iyong smartphone! Ayos, ‘di ba?   

  3. Magdagdag ng mga sari-saring produkto at serbisyo na hinahanap ngayong Kapaskuhan!

    Ang Pasko ay isang oportunidad para magdagdag ng mga produkto at serbisyo na pwedeng bilhin ng iyong mga suki sa iyong tindahan! Sa bigat ng trapiko at mahabang pila sa malls na pwedeng maranasan ngayong Kapaskuhan, pwede kang magbenta ng pabango, damit, o smartphone na pwedeng pang-regalo ng iyong mga suki na mabibili nila sa tindahan mo mismo. O ‘di ba, siguradong iwas traffic at pila ito! I-extend na ang pagmamahal ngayong Pasko sa iyong mga suki sa hatid mong dagdag serbisyo!

    Gusto mo bang mag-expand ng produkto ngayong Pasko? Download at register na sa BizMo App!

  4. Maging updated sa kung anong mga ganap ng mga sari-sari stores ngayong Kapaskuhan!
    Gawing merrier ang iyong Pasko sa pagsali sa mga kwentuhan tungkol sa pagtitindahan kasama ang iba pang sari-sari store owners! Maaaring may mga tips o advice din sila tungkol sa paghahanda ngayong Pasko na pwede mong matutunan. Mas hapi ang Pasko kung sama-sama tayong natututo at nakikilala ang isa’t isa!


    ’Wag nang magpahuli sa kwentuhan natin sa Samahang Hapinoy Facebook Group kasama ang iba pang sari-sari store owners!

  5. Maglagay ng Christmas decorations sa iyong tindahan.
    At panghuli, syempre hindi pwedeng mawala ang mga parol at Christmas lights sa Pasko ng Pinoy! Ipadama ang Pasko sa iyong mga suki at barangay sa mga Christmas decorations na pwede mong ilagay sa harapan ng iyong tindahan. Hindi naman kailangan ng magarbong pa-ilaw, kahit munting parol ay ayos na! Isabay mo na rin sa pag-ayos ng iyong tindahan ang pag-pwesto ng mabebentang paninda sa kung saan mas madaling makikita ng iyong mga mamimili. Sa pamamagitan nito, mas madali ring malalaman kung anu-ano ang mga mabibili sa iyong tindahan.

Ngayong Disyembre, hindi lang sa Christmas parties o reunion tayo pwedeng magdiwang, kung hindi pati na rin sa isang tindahan na handa sa Kapaskuhan!


Kung ikaw ay isang sari-sari store owner, sali na sa libreng online training ng Hapinoy! I-click lang ang link na ito bit.ly/34fhehQ para makapag-register! Para sa iba pang impormasyon, bisitahin at i-like lang ang HapiSkwela Facebook Page sa www.facebook.com/HapiSkwela.