Paano ang New Normal para sa mga Hapinoy Negosyante?

 
NEW NORMAL SA TINDAHAN. Ang paglalagay ng plastic cover sa tapat ng kanyang tindahan at ang pagdagdag ng face masks sa kanyang mga paninda ang ilan sa mga ginawa ni Tita Belen sa pagpapatuloy na pagbukas ng kanyang tindahan ngayong new normal. (Litr…

NEW NORMAL SA TINDAHAN. Ang paglalagay ng plastic cover sa tapat ng kanyang tindahan at ang pagdagdag ng face masks sa kanyang mga paninda ang ilan sa mga ginawa ni Tita Belen sa pagpapatuloy na pagbukas ng kanyang tindahan ngayong new normal. (Litrato mula kay Belen Jimenez)

“New normal, paano?”

Tanong mo rin ba ito, negosyante? Kahit ilang buwan na ang nakalipas noong nagsimula ang pagpapatupad ng community quarantine sa iba’t ibang lugar sa ating bansa, marahil ay nakakapanibago pa rin ang bawat araw na tayo ay nasa tinatawag na “new normal.” Iba’t ibang pagbabago ang ating nararanasan at kinakailangang gawin, lalo na para sa pagpapatuloy ng ating tindahan.

Kaya naman kinumusta at tinanong natin ang ilang mga Hapinoy Negosyante sa kanilang pagtitindahan sa panahon na ito. Paano nga ba nila ipinagpapatuloy ang kanilang sari-sari stores ngayong may new normal na?

new normal sa sari-sari store_1.jpg

Ang pagiging bukas at pagsubok sa pagdagdag ng mga bagong produkto ang isa sa mga naging paraan ni Tita Che para makapagpatuloy pa rin sa pagtitindahan sa kabila ng mga pagbabagong hatid ng new normal sa kanyang negosyo. Sa ilang buwan na nakalipas, isa sa mga pagbabago na nararanasan ng mga sari-sari store onwer ay ang pagbaba ng regular na kita sa tindahan. Ilan sa mga dahilan nito ay ang pagdalang ng mga mamimili at limitadong oras sa pagbubukas ng tindahan. Kaya naman para magkaroon ng dagdag kita, sinubukan ni Tita Che na idagdag ang uling sa kanyang paninda.

Nakita niya na marami pa rin sa kanilang barangay sa Carigara, Leyte ang gumagamit ng uling bilang panggatong, lalo na sa panahon ngayon na tag-ulan. At bilang may nagde-deliver sa kanya ng uling, naisip niya na idagdag ito sa kanyang tindahan at ibenta rin ng wholesale sa mga kalapit niyang tindahan. Kwento niya, pinapa-deliver niya rin ito ng libre sa kanyang mga mamimili, na malaking tulong din lalo na’t madaling maubos ang uling sa kanilang bayan. Sabi nga ni Tita Che, mahirap ang pag-uumpisa. Ngunit sang-ayon din ba kayo na ang pagsisimula ang magiging daan para madiskubre kung anu-ano pa ang maaari nating gawin bilang negosyante?

Related: Pitong QuaranTips para sa Tindahan Mo

new normal sa sari-sari store_2.jpg

Ngayon, naging patok ang mga online services para mas madaling mailapit ang mga produkto at serbisyo sa bawat konsyumer, dahil na rin sa physical distancing na ipinapatupad. Maliban dito, ang paggamit ng social media, gaya ng Facebook, ay naging daan din para sa iba’t ibang mga negosyo na makapagpatuloy at manatiling konektado sa mga mamimili. Kaya naman hindi nagpahuli si Tita Teresa at sinubukan din niya na ibenta ang kanyang mga paninda gamit ang Facebook. Habang pinapanatiling bukas ang tindahan bago at pagkatapos sumapit ang curfew hours, pino-post niya ang kanyang mga dagdag paninda gaya ng sinukmani at niyog at inaalok ang mga ito sa kanyang mga Facebook friends.

Dagdag pa niya, mas lumalawak ang naaabot ng kanyang mga paninda sa tulong ng pag-market sa Facebook. Ang Facebook na ginagamit natin para makipagkumustahan sa ating mga kapamilya at kaibigan ay maaari na ngayong gamitin para ipaabot ang ating mga produkto at serbisyo sa mas maraming tao.

Related: New Normal sa Tindahan kasama ang HapiShop!

new normal sa sari-sari store_3.jpg

Bago pa man magkaroon ng new normal, nananatiling mahalaga ang papel ng mga sari-sari stores sa paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan ng ating mga komunidad. At bilang pagtupad sa papel na ito, importante ang pagkilala sa mga mamimili para malaman kung anu-ano ang mga pangangailangan nila na maaaring mahanap sa ating tindahan.

Tulad ng kwento ni Tita Belen, may dala ring pagbabago ang new normal sa ating mga mamimili. Kaya naman mula sa pag-ala niya ng kanilang mga pangangailangan, nagdagdag siya ng mga face masks at online services gaya ng bills payment sa kanyang tindahan. Sa ganitong paraan, naipagpapatuloy niya ang kita ng kanyang tindahan habang pinapanatili ang pagbibigay serbisyo at produktong kinakailangan ng kanyang komunidad.

Sa pagpasok ng new normal, ang bawat isa sa atin ay tila nagsisimula muli sa negosyo. Para maipagpatuloy pa rin ang tindahan sa kabila ng krisis, may mga bagong pamamaraan na ngayon lang natin ginawa o ginagawa sa ating pagnenegosyo. Ngunit katulad nina Tita Che, Tita Teresa, at Tita Belen, kayang-kaya nating hindi magpatalo sa krisis na ito at sabayan ang new normal.

Handa ka na bang sabayan ang new normal sa iyong tindahan, negosyante?

Tara at sabayan ang new normal sa pagtitindahan kasama ang iba pang mga sari-sari store owners! Enroll na for free sa link na ito bit.ly/hapiskwela para sa ating online training sa Facebook!