Puhunang Kaalaman sa Pagbangon ng Tindahan

 

Ang pagbaba ng kita, kahirapan sa pamimili ng paninda, at kakulangan sa kapital — ilan lamang ito sa mga pagsubok na nararanasan ng isang negosyante gaya ng isang sari-sari store owner noong nagsimula ang pandemya sa bansa. At ang tanong ng marami, sa idinulot nitong krisis na hindi inaasahan ng lahat, paano nga ba maipagpapatuloy ang negosyo?

Kaya naman ngayong Setyembre, inilunsad ng HapiSkwela, katuwang ang Tiger Beer, ang Puhunang Kaalaman: Diskarteng Pangtindahan sa Gitna ng Krisis. Ito ay isang exclusive online training para sa mga sari-sari store owners na naglalayon na makapagbigay ng kaalaman at pamamaraan sa pagtitindahan ngayong may pinagdaraanang krisis na dulot ng pandemya.

Related: Sari-sari Store sa Gitna ng Pandemya

Puhunang Kaalaman_Benefits.jpg

Dahil rin sa ating limitasyon na magsagawa ng face-to-face training, ang Puhunang Kaalaman ay isasagawa ng fully online gamit ang Facebook. Kaya naman maliban sa kaalaman, makakatanggap din ng load allowance ang mga qualified na sari-sari store owners para sa pag-access ng online training kada linggo.

Ilan pa sa mga benepisyong maaaring matanggap ay ang cash assistance, pangkalusugang kit laban sa COVID-19, at e-certificate para sa mga negosyante na parte ng training. Sa tulong ng mga ito, hangarin ng HapiSkwela at Tiger Beer na matulungan ang mga negosyante na muli nilang pagbangon at pagsisimula muli ng mas handa at mas maalam sa pagpapatuloy ng kanilang negosyo sa gitna ng krisis. At sa pamamagitan ng Facebook Group, layon din ng training na ito ang sama-samang pagkatuto mula sa mga diskusyon at pagpapalitan ng karanasan at ideya ng mga sari-sari store owners sa loob ng grupo.

Sa pagsisimula ngayong buwan, ang training ay bukas para sa mga sari-sari store owners na taga-Metro Manila. Matapos ang unang grupo na ito, magbubukas muli ang training para sa mga negosyante mula sa ibang probinsya sa ating bansa na nais maging parte nito.

Sa gitna ng pandemya, ang pagtutulungan at hangarin na bumangon at magpatuloy ang mananaig sa kabi-kabilang pagsubok na nararanansan sa pagnenegosyo. Basta’t sama-sama at tulong-tulong, kayang-kaya ang pagbangon mula sa krisis!

__

‘Di pa huli para makasali sa ating mga trainings! I-click ang bit.ly/hapiskwela para sa free enrollment. Para sa iba pang detalye at updates tungkol sa online training, bisitahin lang ang HapiSkwela Facebook Page sa www.facebook.com/HapiSkwela.